Martes, Nobyembre 15, 2016



Paano nga ba mapoproseso ang benepisyo sa SSS pag Ectopic pregnancy?



1. Mag request ng Obstetrical History sa attending Physician o OB



2. Certified true copy of ORR sa ospital kung saan ka naoperahan at na confine. Paalala kailangan makapagrequest ka kaagad kasi minsan di pa nakahanda ang mismong report ng operasyon.



3. Histopathological Report na makukuha sa laboratory ng ospital. Puwede magtanong sa ospital kung saan puwede kunin,nag aasist naman sila :-)



yan ang tatlong kinuhang requirements saakin ng company. Kailangan mong fill upan at pirmahan ang form na galing SSS. Isang linggo lang ang processo at puwede mo nang matanggap ang benepisyong makukuha galing sa SSS